Nagbuga ng apat (4) na magkakasunod na abo ang bulkang Kanlaon sa Negros Island ngayong Linggo ng umaga, Disyembre 29, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa time-lapse footage ng Phivolcs, naitala ang mga pagbuga bandang 05:16 a.m. – 06:01 a.m., 06:20 a.m. – 06:56 a.m., 08:16 a.m. – 08:28 a.m. at 09:01 a.m. -10:25 a.m.
Umabot sa 100 hanggang 200 metrong taas ng abo ang inilibas ng Kanlaon na napadpad sa direksyon ng kanluran.
Nakapagtala rin ng 16 volcanic earthquakes at anim na volcanic tremor na tumagal ng 49 hanggang 84 minuto sa bulkang Kanlaon, batay sa 24 oras na pagmamanman ng Phivolcs.
Bukod dito, naglabas din ito ng 3,984 tonelada ng asupre bukod pa sa dalawamh beses nitong pagbuga ng abo na may haba na 43 hanggang 49 minuto.
May kabuuang pitong ‘discrete ash emission events’ ang naitala sa bulkan magmula pa nitong Sabado, Disyembre 28.
Kasalukuyang nakataas sa Alert Level 3 ang nasabing bulkan.