IBCTV13
www.ibctv13.com

Kaso ng Dengue sa Pilipinas, tumaas ng 68% vs. nakaraang taon – DOH

Ryan Kristoffer Lim
589
Views

[post_view_count]

(File Photo)

Hinihimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na mas paigtingin pa ang mga hakbang kontra dengue, matapos mapansin ang patuloy na pagtaas ng mga kaso sa bansa.

Batay sa datos ng ahensya, tumaas ng 25% ang kaso ng dengue simula Agosto 4-17 na pumalo sa 36,335 cases, na mas mataas kung ikukumpara sa 29,021 na naitala noong Hulyo 21-Agosto 3 sa lahat ng rehiyon maliban MIMAROPA, Bicol, Zamboanga Peninsula, and BARMM ngayong taon. 

Sa pinakahuling tala ng DOH simula nang mag-umpisa ang taon hanggang Setyembre 6 ay lumalabas na pumalo na sa 208,965 ang bilang ng mga dengue case sa bansa na mas mataas ng 68% kung ikukumpara sa naitalang 124,157 kaso sa parehong panahon noong nakaraang taon.

“We are witnessing a continued and seasonal rise in dengue cases. It is crucial that we take immediate and concerted action to address this situation brought about by the rainy season. A smaller proportion of case deaths may be attributed to better health seeking behavior and also management at hospitals. Let us work together to protect our families, friends, and communities from the dangers of dengue,” saad ni Health Secretary Teodoro J. Herbosa.

Dagdag pa ng Kalihim, patuloy ang pagsubaybay ng kagawaran sa mga kaso upang maisagawa ang tamang mga hakbang at interbensyon na kailangan. 

Nagpaaalala rin ang DOH na maging mapanuri sa mga lugar na maaaring pamugaran ng mga lamok gaya ng naipong tubig, gumamit rin daw ng mosquito repellents upang makaiwas sa sakit na dala nito.

Mainam din na magpatingin kaagad sa doktor kung sakaling may nararamdamang mga sintomas ng dengue.