IBCTV13
www.ibctv13.com

Kaso ng mga namamatay dahil sa dengue sa Pilipinas, bumaba na – DOH

Divine Paguntalan
137
Views

[post_view_count]

(File photo)

Iniulat ng Department of Health na bumababa na ang bilang ng mga namamatay dahil sa dengue ngayong taon.

Batay sa pinakahuling datos ng DOH, bumaba ng walong (8) porsyento ang dengue cases sa buong bansa kung saan mula 23,032 reported cases noong Setyembre ay bumaba pa ito sa 21,097 cases nitong Oktubre.

Ang Case Fatality Rate (CFR) naman ay bumaba rin sa 0.26% as of October 26, 2024 mula sa 0.34% CFR na naitala sa kaparehong panahon noong 2023.

Ayon sa kagawaran, malaking tulong ang maagang pagpapatingin ng mga pasyente sakaling may naramdaman silang sintomas ng sakit gayundin ang mas maayos ng healthcare delivery sa mga clinic at ospital, kaya bumababa ang naitalang kaso.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DOH sa local government units (LGUs) para sa paglilinis ng mga ‘breeding ground’ ng mga lamok bunsod ng tag-ulan kasabay ng pagkakaloob ng diagnostic kits at insecticides sa tukoy na ‘hotspot areas’ ng dengue.

Bagaman bumababa ang kaso ng mga namamatay, mahigpit pa rin ang paalala ng kagawaran ng kalusugan na huwag magpakampante at tiyakin pa rin na malinis ang paligid upang hindi pamahayan ng mga lamok.

“Nakikita sa ating datos na patuloy na bumababa ang kaso ng mga namamatay dahil sa Dengue. Pero hindi dapat tayo maging kampante dahil patuloy ang pag-ulan sa panahong ito. Ang ugnayan ng DOH at mga lokal na pamahalaan ay mahalaga para masigurong napananatili sa mga komunidad ang mga paraan para mapuksa ang Dengue,” paalala ni Health Secretary Ted Herbosa. – AL

Related Articles

National

Ivy Padilla

51
Views