IBCTV13
www.ibctv13.com

Key regional transport projects sa ilang probinsya sa Pilipinas, pinuri ni Pangulong Marcos Jr.

Jerson Robles
156
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. witnesses the signing of key regional transport projects on Wednesday, December 18. (Screengrab from RTVM)

Pagsasaayos sa biyahe ng mga Pilipino at mas maraming oportunidad ang dala ng mga nilagdaang kasunduan para sa mga pangunahing proyektong pang-imprastraktura na sinaksihan mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Miyerkules, Disyembre 18.

Kabilang sa mga nilagdaang kasunduan ang pagtatayo ng New Cebu International Container Port (NCICP) at ang Cebu Bus Transit (CBRT) system.

Layong masolusyunan ng NCICP ang congestion sa Cebu Base Port bilang isang modernong pasilidad na nagkakahalaga ng P17 bilyon.

“Once completed, this will not only make goods more affordable but will also generate thousands of jobs for our people. Apart from this, it will also create more opportunities for everyone as it will provide increased space for port activities,” pagtitiyak ng Pangulo.

Ang CBRT naman ay nagkakahalaga ng P28.78 bilyon ay inaasahang magbibigay ng ‘reliable’ at ‘efficient’ na sistema ng transportasyon para sa mga residente ng Cebu.

Sa tulong nito ay mapagdurugtong na ang mga pangunahing bahagi ng Cebu City na makatutulong sa araw-araw na pagbiyahe ng mga residente nito.

Kasama rin sa mga nilagdaang proyekto ang pagpapalawak sa Bohol-Panglao International Airport (BPIA) na nagkakahalaga ng P4.53 bilyon.

Mahahati sa dalawang bahagi ang pagsasaayos sa palipaaran kung saan inaasahang mapatataas ang kapasidad nito mula dalawang milyong pasahero hanggang 2.5 milyon pagsapit ng 2026, na posible pang tumaas sa halos apat na milyon sa 2030.

Pinirmahan din ang kasunduan para sa pagtatayo ng mga bagong regional airport sa Dumaguete at Siargao, na inaasahang magpapalakas sa turismo at kalakalan.

Sa tulong ng International Finance Corporation (IFC), tiniyak ni Pangulong Marcos na ang mga bagong paliparan ay tutugon sa pandaigdigang pamantayan.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng mga proyektong ito bilang simbolo ng pag-asa at aspirasyon para sa mas magandang kinabukasan.

“My fellow Filipinos, the future will not simply come to us—we must be the ones to build it. And this is how we will move forward. So, [let’s] together build a better Philippines we can proudly bequeath to our children,” ani Pangulong Marcos Jr. – AL

Related Articles

National

Ivy Padilla

57
Views

National

Jerson Robles

83
Views