IBCTV13
www.ibctv13.com

KOJC member, nasawi sa cardiac arrest habang naghahain ng Warrant of Arrest ang kapulisan

Ivy Padilla
296
Views

[post_view_count]

Police personnel were seen serving a warrant of arrest outside the KOJC compound. (Photo by PNA)

Isang 51-anyos na lalaking miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang nasawi dahil sa cardiac arrest habang naghahain ng Warrant of Arrest ang Police Regional Office (PRO 11) laban kay Pastor Apollo Quiboloy at apat pa nitong kasamahan ngayong Sabado, Agosto 24.

Kinilala ng pulisya ang nasawing indibidwal bilang si Edwin Escubido Cababat na isang food vendor sa KOJC.

Batay sa ulat ng PRO 11, sinubukan pang isugod sa emergency room ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) si Cababat bandang 5:56 a.m. ngunit idineklarang ‘dead on arrival.’

“It is important to note that the transport of Mr. Cababat was initiated after the Police Regional Office (PRO 11) became aware of his condition,” paglilinaw ng kapulisan.

Nagpaabot na ng pakikiramay ang PRO 11 habang nilinaw na walang kaugnayan sa isinagawang paghahain ng Warrant of Arrest ang pagpanaw ni Cababat.

Anila, ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho na hanapin si Quiboloy na patuloy tinatakasan ang mga kinakaharap na kaso.

“We urge the public to understand the context of this situation and the efforts made by law enforcement to uphold the law,” panawagan ng PRO 11.

Matatandaang nahaharap sa kasong child abuse at qualified trafficking si Quiboloy at mga kasamahan nito.

Nitong Hulyo lang ay nahuli na ang babaeng kasamahan ni Quiboloy na si Pauline Chavez Canada sa Davao City matapos may magtimbre sa mga kapulisan sa pinagtataguan nito.

May P10 milyong pabuya sa sinumang makapagtuturo kay Quiboloy habang tig-P1 milyon naman sa mga makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga kasamahan nito.

Related Articles