Nagtala ng pinakamalaking pagbagsak sa halaga ang Korean won kumpara sa ibang mga pera sa buong mundo, nitong nakaraang linggo, dahil sa deklarasyon na panandaliang martial law ni South Korean President Yoon Suk Yeol.
Ayon sa Yonhap Infomax, bumagsak ang halaga ng Korean won ng ‘24.5 won per dollar’ – itinuturing na pinakamalaking pagbagsak ng SoKor currency mula Enero ngayong taon.
Hindi lamang sa mga lokal na merkado, nagdulot din ito ng pangamba pati na sa buong ekonomiya ng bansa dahil sa kawalan ng tiwala ng global investors sa kanilang pamahalaan.
“The political developments have further dented investor sentiment, already affected by concerns about the semiconductor industry cycle and uncertainty stemming from Donald Trump’s tariff policy,” pahayag ni economist Moon Jeong-hee.
Samantala, ang ilang pangunahing currency tulad ng Australian dollar at Chinese yuan ay nakitaan din ng bahagyang pagbaba kamakailan habang bahagya namang tumaas ang Japanese yen at British pound.. – VC