IBCTV13
www.ibctv13.com

Libreng bakuna para sa mga mag-aaral vs. measles, tetanus, handog ng DOH sa Oktubre

Divine Paguntalan
255
Views

[post_view_count]

DOH in partnership with UNICEF Philippines and WHO Philippines conduct vaccines to children. (Photo by UNICEF Philippines)

Inihayag ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa na may handog na libreng bakuna ang kagawaran para sa mga kabataan kontra measles at tetanus.

Ilulunsad simula Oktubre 7 ang “Bakuna Eskwela” o ang month-long immunization program sa buong bansa.

Ang naturang bakunahan ay para sa mga bata na bigong makakuha ng isa o dalawang bakuna bunsod ng nagdaang Covid-19 pandemic.

“Every Friday for the month of October, school children can get vaccinated in all DepEd (Department of Education) schools,” saad ng Health Secretary.

Ipinaliwanag din ni Herbosa na alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang bakunahan sa buong bansa upang may panlaban mula sa iba’t ibang sakit ang mga kabataan bago pa man sila tumungtong ng isang taong gulang.

Kaugnay nito, tinaasan na rin ang pondo para sa National Immunization program kung saan nasa 40% ang idinagdag mula 2021 hanggang 2025. Katumbas ito ng P2.3 bilyon na gagamitin para sa pagbili ng mga bakuna at mismong pag-administer ng bakuna sa mga bata. – VC

Related Articles