IBCTV13
www.ibctv13.com

Libreng WiFi sa mga remote community, iminumungkahi ni Pangulong Marcos Jr.

Alyssa Luciano
234
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. leads a sectoral meeting with the Department of Information and Communication Technology (DICT). (Photo by President Ferdinand R. Marcos Jr.)

Sa isang sectoral meeting kasama ang Department of Information and Communication Technology (DICT), muling isinulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang layunin na mas palawakin pa ang connectivity sa bansa partikular na sa mga remote at isolated community.

Iminungkahi ni Pangulong Marcos Jr. ang pagkakaroon ng libreng WiFi connection sa mga remote at isolated community sa Pilipinas bilang bahagi ng connectivity proposal ng DICT para sa National Digital Connectivity Plan (NDCP) 2024-2028.

Batay sa datos ng DICT nitong Hulyo 2024, umabot na sa 13,462 free WiFi sites ang naitayo sa 1,401 na mga lungsod at munisipalidad sa buong bansa kabilang na ang 3,040 Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA).

Nilinaw din ng Pangulo na mabibigyan ng pondo ang paglalagay ng mga karagdagang libreng WiFi sites sa iba’t ibang mga komunidad na magmumula sa budget ng pamahalaan.

“Once nasanay ang tao na mayroon ng ganyan, we can put them already. We can put the allowance for WiFi already in the budget. Kasi nandyan na. We can put it in the budget of the government agency. Maliit lang naman,” paliwanag ng Pangulo.

Sa oras na maaprubahan ang pondo para sa NDCP, magsisilbi ito bilang strategic blueprint ng bansa para sa digital connectivity na layong gawing digitalized ang Pilipinas. -VC

Related Articles