IBCTV13
www.ibctv13.com

Libu-libong pamilya sa Negros Occidental, apektado ng pagputok ng Mt. Kanlaon, Shearline

Ivy Padilla
239
Views

[post_view_count]

Visitation in all 11 evacuation centers in La Carlota City and La Castellana yesterday, December 25. (Photo by Provincial Government of Negros Occidental)

Iniulat ng Office of the Civil Defense (OCD) na libu-libong mga pamilya ang kasalukuyang apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon gayundin ng pananalasa ng severe thunderstorm at Shearline sa Negros Occidental.

Sa pinakahuling datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) DROMIC, umabot na sa kabuuang 7,153 pamilya o katumbas ng 21,889 mga indibidwal ang naapektuhan ng kamakailang pagsabog ng Kanlaon Volcano.

Nagmula ang mga ito sa 21 barangay sa pitong lungsod at munisipalidad kabilang ang Bago City, La Carlota City, La Castellana, Moises Padilla, Murcia, Pontevedra, at San Carlos.

Bukod sa banta ng bulkan, patuloy din na nakakaapekto sa rehiyon ang severe thunderstorm at Shearline ayon kay OCD Western Visayas Director at Regional Task Force Kanlaon Chairperson Raul Fernandez.

Sa tala ng ahensya, may kabuuang 2,305 pamilya o 7,320 katao ang apektado ng masamang lagay ng panahon sa apat na munisipalidad ng Cadiz City, Manapla, Sagay City, at Victorias City.

“The combined effects of the severe weather and volcanic activity have created significant challenges for local authorities and disaster response teams,” saad ni Fernandez.

Tiniyak ng opisyal na patuloy ang ginagawang pagtulong ng ahensya sa mga naapektuhang pamilya kung saan nakatutok din sila sa lagay ng bulkan at panahon. – VC

Related Articles