IBCTV13
www.ibctv13.com

Lipat-pondo ng PhilHealth sa national treasury, magpapatuloy; benefit packages ng benepisyaryo, dadagdagan

Patricia Lopez
696
Views

[post_view_count]

(Photo by Philhealth)

Itutuloy ng Philippine Health Insurance (PhilHealth) ang paglilipat ng sobrang pondo sa national treasury upang mailaan ng pamahalaan sa unprogrammed appropriation projects.

Aabot na sa P30 bilyon ang nailipat ng PhilHealth sa national treasury mula sa kabuuang P89.9 bilyon na kailangan mailipat.

“Bago rin kami magbalik ng pera… nanghingi rin kami ng guidance from those regulatory offices …alam naman na po natin na may naka-file na TRO sa korte so ano po maging desisyon ng korte kami po ay susunod din,” pahayag ni PhilHealth SVP for Health Finance Policy Israel Pargas.

Sa kabila nito, sinisiguro naman ng PhilHealth na hindi mababawasan ang benepisyong natatanggap ng kanilang mga miyembro.

Katunayan, dadagdagan pa anila ang benepisyong matatanggap ng PhilHealth members sa 30 percent bago matapos ang taon.

Tataasan din ang benepisyo para sa mga may sakit na dengue, nangangailangan ng cataract extraction, dialysis, at chemotherapy.

“We will continue expanding our benefits. In 2025 mayroon din kami nakaset na benefit plan for expansion and rationalization. We are looking by 2026 maipatupad na nilalayon na outpatient comprehensive benefit package so may inaasahan tayo dun kasama dun yung UHC na dapat meron dental, rehab, outpatient rehab package, emergency cases lahat yan achieve by 2025 2026 at sa susunod na mga taon,” dagdag pa ni Pargas – DP/VC

Related Articles