IBCTV13
www.ibctv13.com

Listahan ng mga delivery rider na makatatanggap ng P5,000 cash aid, inilabas na ng DSWD

Khengie Hallig
324
Views

[post_view_count]

The Department of Social Welfare and Development (DSWD) distributed P5,000 cash relief assistance to delivery riders on Thursday, March 26. (Photo from DSWD)

Inilabas na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang listahan ng mga delivery rider na makatatanggap ng P5,000 cash relief assistance ngayong Huwebes, Marso 26, at sa darating na Marso 27 at 30.

Kasunod ito ng tuluy-tuloy na pamamahagi ng ahensya ng tulong-pinansyal para sa mga manggagawa sa sektor ng transportasyon upang maibsan ang epekto ng taas-presyo sa langis dulot ng tensyon sa Middle East.

Narito ang opisyal na listahan ng mga benepisyaryo batay sa isinumite ng mga Transport Network Companies (TNC) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB):

https://drive.google.com/drive/folders/1NOLe9UU3CZu7GcwpmtA-sfwxXblDx2Jp

Para matanggap ang tulong-pinansyal, magdala lamang ng orihinal na valid driver’s license at isang (1) photocopy nito sa nakatakdang araw ng pagkuha ng ayuda.

Nagpaalala rin ang ahensya na kailangang tugma ang pangalan at kaarawan ng benepisyaryo mula sa listahan at sa isusumite nitong driver’s license.

Samantala, maaari namang i-claim ang nasabing cash relief assistance sa mga sumusunod na payout sites:

Photo from DSWD
Photo from DSWD
Photo from DSWD

Sakaling wala ang pangalan sa opisyal na listahan ng mga benepisyaryo, tiniyak ng DSWD na magkakaroon ng special payout para sa mga hindi nakasama sa initial list.

Kinakailangan lamang makipag-ugnayan sa LTFRB para sa mga karagdagang katanungan at berepikasyon. – IP