IBCTV13
www.ibctv13.com

‘Listo si KAP’, inilunsad ng DILG para palakasin ang disaster-preparedness ng mga barangay

Ivy Padilla
73
Views

[post_view_count]

Alinsunod sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking ligtas at disaster-resilient ang mga komunidad, inilunsad ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Listo si KAP (Komunidad at Punong Barangays) na isang komprehensibong disaster preparedness at response framework para sa mga barangay.

Bibigyan ng Listo si KAP ang mga barangay ng mga protocol na dapat sundin para sa paghahanda, pagtugon, at pagbangon mula sa mga sakuna.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2025-035, itinalaga ng DILG ang kasalukuyang Barangay Development Council bilang Local Disaster Risk Reduction and Management (LDRRM) Council.

Kasama sa responsibilidad nito ang pag-apruba sa Barangay DRRM Plan at pagrekomenda ng mga emergency measure tulad ng preemptive evacuation.

Gaganap naman ang Barangay DRRM Committee (BDRRMC) bilang LDRRM Office na inatasang gumawa at magsagawa ng disaster risk management programs sa barangay level.

Sa preparedness phase, responsable ang BDRRMC na magsagawa ng regular na disaster drills at tiyakin ang kahandaan ng emergency equipment at supplies.

Kailangan namang i-activate ng mga barangay ang mga operations center, pamahalaan ang mga evacuation site at makipag-ugnayan sa search and rescue sa oras ng response phase.

Samantala, inaasahang tutulong din ang BDRRMC sa rehabilitation efforts at recovery solutions sa post disaster phase. – AL