Tumataginting na P109,545,674.80 jackpot prize ang napanalunan ng isang mananaya mula sa Super Lotto 6/49 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Linggo ng gabi, Pebrero 23.
Nahulaan ng lucky bettor ang winning combination na 40 – 34 – 32 – 26 – 21 – 12.
Samantala, wala namang nakakuha ng P102,591,752 jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na may winning numbers na 54 – 36 – 22 – 4 – 31 – 45.
Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:
– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)
Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. – VC