IBCTV13
www.ibctv13.com

LPA, namataan sa loob ng PAR; imposibleng maging bagyo sa susunod na 24 oras

Alyssa Luciano
86
Views

[post_view_count]

PAGASA continuously monitors a low pressure area (LPA) inside the Philippine area of responsibility (PAR). (Screengrab from DOST-PAGASA Live)

Isang low pressure area (LPA) ang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) batay sa huling weather forecast ngayong Lunes, Abril 28.

As of 8:00 a.m. huling namataan ang LPA sa layong 655 kilometers mula sa silangan ng General Santos City at nakapaloob sa umiiral na intertropical convergence zone (ITCZ).

Ayon sa PAGASA, mababa lamang ang posibilidad na lumakas ito bilang isang tropical cyclone sa susunod na 24 oras.

Sa kabila nito ay magdadala pa rin ang LPA ng kalat-kalat na pag-ulan sa Davao Region maging sa SOCCSKSARGEN.

Kaparehong lagay ng panahon naman ang mararanasan sa iba pang bahagi ng Mindanao dahil sa ITCZ.

Samantala, hindi rin inaalis ng PAGASA ang posibilidad ng pabugsu-bugsong ulan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa dahil sa easterlies.

Sakaling tuluyang maging isang tropical cyclone, papangalanan ang nasabing LPA na Auring bilang unang bagyo ngayong taon. – VC

Related Articles

National

Alyssa Luciano

23
Views

National

Alyssa Luciano

75
Views