IBCTV13
www.ibctv13.com

LPA, posibleng mabuo, pumasok sa PAR sa mga susunod na araw – PAGASA

Ivy Padilla
276
Views

[post_view_count]

Public Weather Forecast issued at 4:00 a.m. today, August 29, by DOST-PAGASA Weather Specialist Benison Estareja. (Screengrab by PAGASA)

Iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng mabuo bilang isang low pressure area (LPA) at pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang ‘cloud cluster’ o kumpol ng mga ulap sa silangang bahagi ng bansa sa mga susunod na araw.

Batay sa 4:00 a.m. weather forecast ng PAGASA, patuloy na magpapaulan ang Southwest Monsoon o Habagat sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon, Central Luzon, at Visayas.

Makararanas din ng panaka-nakang ulan ang Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan bunsod pa rin ng Habagat.

“Asahan po yung pabugso-bugsong mahina hanggang katamtamang pag-ulan at minsan lumalakas po ‘yan pagsapit ng tanghali hanggang sa gabi,” saad ni PAGASA weather specialist Benison Estareja.

“Kaya mag-ingat po sa mga posibleng pagbaha at pagguho ng lupa,” dagdag na paalala nito.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat sa Metro Manila, Western Visayas, Negros Island Region, Calabarzon, Pangasinan, Tarlac, Pampanga, Bulacan at natitirang bahagi ng MIMAROPA bunsod pa rin ng Habagat.

Samantala, iniulat din ng weather bureau ang posibleng pagpasok ng mga bagyo sa bansa sa buwan ng Setyembre kung saan dalawa hanggang tatlong tropical cyclone ang posibleng mabuo sa PAR.

Related Articles