IBCTV13
www.ibctv13.com

LPA, posibleng mabuo sa PAR ng Huwebes-Biyernes; inaasahang magiging bagyo sa weekends – PAGASA

Ivy Padilla
285
Views

[post_view_count]

Photo by Divine Paguntalan, IBC News

Isang low pressure area (LPA) sa silangan ng Extreme Northern Luzon ang posibleng mabuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa pagitan ng Huwebes at Biyernes, Setyembre 26-27, batay sa 5-day forecast scenario ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Miyerkules, Setyembre 25.

Inaasahang magdalala ito ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat sa Batanes at Babuyan Islands habang panaka-nakang pag-ulan at pagkulog naman sa natitirang bahagi ng bansa.

Pagsapit naman ng Sabado at Linggo, Setyembre 28-29, posible itong maging isang ganap na Tropical Depression (TD) na kikilos patungong hilagang-kanluran ng Japan area.

“Extreme Northern Luzon is expected to have scattered rains and gusty winds due to the TD. The rest of the country will have isolated rainshowers or thunderstorms,” saad ng weather bureau.

Patuloy hinihikayat ang publiko na alamin ang lagay ng panahon upang maging ligtas mula sa anumang sakuna. -VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

66
Views

National

Ivy Padilla

56
Views