IBCTV13
www.ibctv13.com

LPA, posibleng maging bagyo ngayong weekend; tatawaging bagyong Igme – PAGASA

Ivy Padilla
1781
Views

[post_view_count]

Satellite image of a low pressure area (LPA) inside the Philippine Area of Responsibility today, September 20. (Screengrab from PAGASA)

Isang low pressure area (LPA) sa silangan ng Northern Luzon ang nabuo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Biyernes, Setyembre 20, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

As of 3:00 a.m., huli itong namataan sa layong 745 kilometro silangan ng Itbayat, Batanes.

Batay sa analysis ng weather bureau, mababa ang tyansa nitong maging bagyo ngayong araw ngunit hindi inaalis ang posibilidad na maging tropical depression sa weekend.

Sakaling maging tropical depression, tatawagin itong bagyong Igme na mababa ang tyansang mag-landfall o makaapekto sa anumang panig ng bansa.

Patuloy pinag-iingat ang publiko sa posibleng pagbabago sa lagay ng panahon. -VC

Related Articles