IBCTV13
www.ibctv13.com

LPA, pumasok sa PAR; mababa ang tyansa maging bagyo sa susunod na 24 oras

Ivy Padilla
1045
Views

[post_view_count]

Satellite image of LPA inside the PAR based on the 4:00 p.m. weather forecast of PAGASA. (Screengrab from PAGASA)

Isang low pressure area (LPA) ang tuluyan nang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bandang alas-8 ng umaga ngayong Linggo, Setyembre 8, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Batay sa 4:00 p.m. forecast ng weather bureau, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,340 kilometro Silangan Hilagang-Silangan ng Extreme Northern Luzon.

Bagaman mababa ang tyansang maging ganap na bagyo sa susunod na 24 oras, hindi pa rin inaalis ng PAGASA ang posibilidad na maging bagyo ito sa mga susunod na araw.

Sa ngayon ay wala naman nakikitang direktang epekto ang nasabing LPA sa anumang bahagi ng bansa.

Patuloy na hinihikayat ang publiko na maging alerto at handa sa pagbabago ng lagay ng panahon -VC

Related Articles