Tuluyan nang naging isang Tropical Depression ang low pressure area (LPA) sa silangan ng Batanes as of 2:00 p.m. ngayong Biyernes, Setyembre 20, na pinangalanan bilang bagyong Igme.
Batay sa 5:00 a.m. weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), mababa ang tyansang mag-landfall o makaapekto ito sa anumang panig ng bansa.
Ito na ang ika-limang bagyo na tumama sa bansa ngayong buwan ng Setyembre, lagpas sa tatlong bagyo na unang nakita ng weather bureau.
Sinundan ng Igme ang bagyong Enteng, Ferdie, Gener at Helen na nagpaulan sa bansa noong mga nagdaang araw.
Una nang inanunsyo ng PAGASA na nasa anim hanggang 10 bagyo ang posibleng tumama sa bansa ngayong taon.
Pinapayuhan ang publiko na maging handa sa lagay at anumang pagbabago sa takbo ng panahon. -VC