IBCTV13
www.ibctv13.com

LPA sa Eastern Visayas, isa nang ganap na bagyo; pinangalanan bilang bagyong Enteng

Ivy Padilla
874
Views

[post_view_count]

Satellite image of Tropical Depression Enteng as of 11:00 a.m. today, September 1. (Photo by PAGASA)

Tuluyan nang naging isang bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng Visayas na pinangalanan bilang Tropical Depression Enteng ngayong Linggo, Setyembre 1, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Batay sa 11:00 a.m. weather forecast ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 120 kilometro North Northeast ng Borongan City, Eastern Samar na kumikilos patungong North Northwestard sa bilis na 30 km/h.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 km/h at pagbugsong nasa 55 km/h.

Itinaas na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) no. 1 sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas kabilang ang sumusunod:

LUZON

– Eastern portion of Camarines Sur (Presentacion, Garchitorena, Caramoan, Calabanga, Naga City, Pili, Bombon, Magarao, Ocampo, Baao, Nabua, Bula, Balatan, Bato, Milaor, Minalabac, Camaligan, Saglay, Iriga City, Buhi, Tigaon, San Jose, Goa, Siruma, Tinambac, Lagonoy, Canaman, Gainza, San Fernando)
-Catanduanes
-Albay
-Sorsogon
-Burias Island
-Ticao Island

VISAYAS

-Northern Samar
-Samar
-Eastern Samar
-Biliran
-Northeastern portion of Leyte (Babatngon, San Miguel, Tacloban City, Alangalang, Santa Fe, Palo, Barugo)

Una nang inanunsyo ng weather bureau na nasa dalawa hanggang tatlong bagyo ang inaasahang tatama sa bansa ngayong buwan ng Setyembre.

Patuloy na hinihikayat ang publiko na maging handa sa posibleng pagbabago sa lagay ng panahon. -VC

Related Articles