IBCTV13
www.ibctv13.com

LPA sa labas ng PAR, isa nang ganap na bagyo – PAGASA

Divine Paguntalan
822
Views

[post_view_count]

Satellite image of the tropical depression outside PAR, based on the 8:00 a.m. weather bulletin of PAGASA. (Photo by PAGASA)

Tuluyan nang nabuo bilang isang Tropical Depression ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Martes, Setyembre 10.

Batay sa 8:00 a.m. weather forecast ng ahensya, muli itong namataan sa layong 2,320 kilometro Silangan ng Eastern Visayas at may lakas ng hangin malapit sa gitna na 45 km/h at pabugso na aabot sa 55 km/h.

Kumikilos ang bagyo patungong Kanluran hilagang-kanlurang direksyon at inaasahang palalakasin ang Habagat na siyang magdadala ng mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa, kabilang na ang Metro Manila.

Posibleng tawagin ang TD bilang bagyong Ferdie sa oras na ito ay pumasok sa loob ng PAR.

Samantala, nakalabas na ng PAR ang LPA na unang nakapasok nitong Linggo ng umaga, Setyembre 8 at nasa layong 675 kilometro hilaga hilagang-kanluran ng Itbayat, Batanes.

Related Articles