![](https://ibctv13.com/wp-content/uploads/2025/02/1-17-1024x786.webp)
Mababa ang tyansa na lumakas bilang isang tropical cyclone ang binabantayang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) ngayong Miyerkules, Pebrero 12, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
As of 3:00 a.m., huling namataan ang sama ng panahon sa layong 260 km kanluran-hilagang-kanluran ng Pag-asa Island sa Palawan habang kumikilos patungo sa bahagi ng Vietnam.
Magdadala ang trough ng nasabing LPA ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan sa Palawan.
Samantala, nakakaapekto pa rin sa bansa ang Shearline na magdudulot ng maulap na panahon na may kasamang mga pag-ulan sa silangang bahagi ng Central at Southern Luzon.
Patuloy namang iiral ang Northeast Monsoon o Amihan partikular sa hilagang bahagi ng Luzon.
Hinihikayat ang publiko na maging handa sa posibleng pagbabago sa lagay ng panahon. – AL