Tuluyan nang naging isang bagyo ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) ngayong Lunes ng umaga, Setyembre 16 na pinangalanan bilang bagyong Gener.
Batay sa 4:00 a.m. weather forecast ng PAGASA, huling itong namataan sa layong 315 km mula sa Silangan Hilagang-Silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang hangin na may lakas na 45 kilometer per hour at pagbugso na 55 km/h habang kumikilos patungong west northwest sa bilis na 10 km/h.
Dahil dito, itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa ilang bahagi ng bansa.
Kasabay nito ay magdadala rin ng mahina hanggang sa malalakas na pag-ulan ang Habagat sa iba pang bahagi ng bansa.
Samantala, patuloy pa ring binabantayan ng PAGASA ang LPA sa labas ng PAR na mas lumakas pa bilang isang tropical storm at huling namataan sa layong 2,215 sa Silangan ng Southeastern Luzon. – AL