IBCTV13
www.ibctv13.com

LPA sa loob ng PAR, may kamatamang tsansa na maging bagyo sa mga susunod na araw – PAGASA

Ivy Padilla
192
Views

[post_view_count]

As of 2:00 AM today, a Low Pressure area (LPA 6a) is being monitored inside the Philippine Area of Responsibility (PAR) and has a “MEDIUM” chance of development into a tropical depression within the next 24 hours. (Photo by PAGASA)

 

Nananatili ang ‘medium’ o katamtamang tsansa na lumakas bilang isang bagyo sa mga susunod na araw ang low pressure area (LPA 06a) na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

As of 3:00 a.m. ngayong Sabado, Hunyo 7, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 240 km silangan ng Virac, Catanduanes.

Sa latest analysis ng PAGASA, hindi ito nakikitang mag-la-landfall o tatama sa anumang bahagi ng bansa sa oras na maging ganap na bagyo.

Gayunpaman, palalakasin nito ang Southwest Monsoon o Habagat na patuloy nakakaapekto sa malaking bahagi ng Central at Southern Luzon, pati na sa Visayas at Mindanao.

Sakaling maging bagyo, papangalanan itong ‘Auring’ na unang bagyo ngayong buwan ng Hunyo at taong 2025.

Hinihikayat ng weather bureau ang publiko na maging handa at alerto sa posibleng pagbabago sa lagay ng panahon.