Nalusaw na ang low pressure area (LPA) na dating bagyong Querubin sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) kaninang 2:00 a.m. batay sa weather advisory ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado, Disyembre 21.
Isa namang bagong sama ng panahon ang kasalukuyang binabantayan ng PAGASA sa labas ng PAR na huling namataan sa layong 1,575 kilometro mula sa kanluran ng Mindanao.
Posibleng gumilid lamang ang namuong LPA sa PAR line sa bahagi ng Palawan ngunit hindi inaalis ng ang posibilidad na ito’y maging isang ganap na bagyo sa susunod na 24-48 oras.
Samantala, patuloy na uulanin ang bahagi ng Southern Luzon, Visaya, at ilang bahagi ng Mindanao dulot ng Shearline.
Mataas din ang tyansa ng pag-ulan sa bahagi ng Northern at Central Luzon kabilang ang Metro Manila dahil sa umiiral na Northeast Monsoon o Amihan.
Patuloy ang paalala ng PAGASA sa publiko na maging handa at maalam sa lagay ng panahon upang maiwasan ang anumang panganib na dulot nito. – IP