IBCTV13
www.ibctv13.com

LPA sa loob ng PAR, posibleng maging bagyo sa susunod na 24 oras

Jerson Robles
204
Views

[post_view_count]

Satellite image of low pressure area inside the Philippine area of responsibility as of 8:00 a.m. of Tuesday, December 17. (Photo from PAGASA)

Malaki ang posibilidad na maging ganap na bagyo ang nabuong low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na 24 oras batay sa weather advisory ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Martes, Disyembre 17.

Huli itong namataan sa layong 205 km mula sa East Southeast ng Tagum City, Davao del Norte, bandang 8:00 a.m. ngayong araw.

Kung sakali mang tuluyang lumakas bilang isang Tropical Depression (TD) ay tatawagin ito bilang bagyong Querubin.

Bukod pa sa LPA ay posible ring magpaulan sa malaking rehiyon ng Visayas at Mindanao ang intertropical convergence zone (ITCZ).

Samantala, shear line din naman ang maghahatid ng pag-ulan sa eastern sections ng Southern Luzon kabilang ang rehiyon ng Bicol at Quezon Province.

Hindi rin inaalis ng weather bureau ang tyansa ng pag-ulan sa Hilagang Luzon abilang ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Aurora dahil naman sa Northeast Monsoon o Amihan.

Nagpaalala naman ang PAGASA sa publiko na maging handa at maalam sa lagay ng panahon upang maiwasan ang anumang panganib na dulot nito. – AL

Related Articles

National

Jerson Robles

72
Views