IBCTV13
www.ibctv13.com

LPA, tuluyan nang pumasok sa PAR; posibleng maging bagyo sa susunod na 24 oras

Ivy Padilla
484
Views

[post_view_count]

Satellite image of a low pressure area (LPA) east of Mindanao as it entered the Philippine Area of Responsibility on Friday night, August 30. (Photo by PAGASA)

As of 10:00 p.m. nitong Biyernes, Agosto 30, tuluyan nang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang low pressure area (LPA) sa layong 930 kilometro Silangan ng Mindanao, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa ulat ng weather bureau ngayong Sabado, Agosto 31, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 695 kilometro Silangan ng Butuan City sa Agusan del Norte. 

Malaki ang tyansa nitong maging isang ganap na tropical cyclone o bagyo sa loob ng susunod na 24 oras. 

Patuloy namang iiral ang Southwest Monsoon o Habagat sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon at Visayas ngayong araw. 

Dahil sa pinagsamang epekto ng LPA at Habagat, asahan ang mataas na tyansa ng pag-ulan sa buong Mindanao, Central at Eastern Visayas at Palawan. 

Samantala, mas maaliwalas na panahon ang mararanasan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa maliban na lamang sa biglaan at panadaliang buhos ng ulan dahil sa Localized Thunderstorm.

Una nang inanunsyo ng PAGASA na nasa anim hanggang 10 bagyo ang posibleng tumama sa bansa ngayong taon.

Pinapayuhan ang publiko na maging handa sa lagay at anumang pagbabago sa takbo ng panahon.

Related Articles