IBCTV13
www.ibctv13.com

Magmatic eruption, posibleng maranasan sa bulkang Kanlaon – Phivolcs

Divine Paguntalan
234
Views

[post_view_count]

IP camera footage of Kanlaon Volcano taken on September 10 as it exhibits increased unrest with SO2 degassing. (Screengrab from Phivolcs)

Sa nagpapatuloy na pagtaas ng aktibidad sa bulkang Kanlaon sa Negros Island, nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa mga kalapit na residente para sa posibleng magmatic eruption.

Batay sa 7:00 p.m. na datos ng Phivolcs nitong Miyerkules Setyembre 11, nakapagtala ng ‘record-breaking’ na pagtaas sa ibinugang sulfur dioxide (SO2) gas mula sa bulkan kung saan umabot ito sa 11,556 tonelada.

“Ito na ang pinakamataas na na-record natin instrumentally simula noong nagsusukat tayo ng volcanic gas sa Kanlaon simula noong 2009,” saad ni Phivolcs Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division Chief Mariton Bornas.

“Dahil mataas ang monitoring parameters natin, medyo anomalous po talaga ang mga ito…Tumataas po talaga ang tsansa na magkaroon tayo ng magmatic eruption,” dagdag niya.

Ayon din sa Phivolcs, pawang phreatic o steam-driven eruptions lamang ang naitatala sa Kanlaon at noong 1902 pa ang huling magmatic eruption nito.

Dahil dito, posibleng itaas ang Alert Level ng bulkang Kanlaon na kasalukuyang nasa Alert Level 2 kung magpapatuloy ang pagtaas ng seismic at volcanic activities nito.

Mahigpit na pinag-iingat ng ahensya ang mga residenteng malapit sa bulkan at hinimok na rin ang local government units (LGUs) na ilikas agad ang mga nakatira sa loob ng radius ng permanent danger zone.

“Kapag nagkaroon tayo ng matinding pag-ulan… malamang magkakaroon po tayo ng lahar na sumasabay sa pagputok ng bulkan dahil mabilis na natra-transform at inaanod ang mga abo ng ulan,” paliwanag ni Bornas.

Pinapayuhan din ang publiko sa lugar na magsuot ng N95 mask sakaling makalanghap ng masangsang na amoy mula sa sulfur dioxide. -VC

Related Articles

National

51
Views

National

Ivy Padilla

253
Views

National

Ivy Padilla

292
Views