IBCTV13
www.ibctv13.com

Magna Carta para sa mga Pilipinong manlalayag, pirmado na ni PBBM

Alyssa Luciano
4107
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. signed the ‘Magna Carta of Filipino Seafarers’ into law also known as the Republic Act (RA) No. 12021. (Photo by RTVM/Screengrab)

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsasabatas sa ‘Magna Carta of Filipino Seafarers’ sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 12021 o ‘An Act Providing for the Magna Carta of Filipino Seafarers’ ngayong Lunes, Setyembre 23.

Layon ng batas na ito na maprotektahan ang karapatan at kapakanan ng mga Pilipinong manlalayag pati na rin ang kanilang trabaho.

Sa kanyang talumpati ay binigyang-diin ng Pangulo na ang paglagda sa bagong batas ay bahagi ng pagkilala ng pamahalaan sa mga sakripisyo at kontribusyon ng mga tripulante.

“It is our way of telling our seafarers, we see you, we hear you, and we are here to support you,” mensahe ng Pangulo.

Ayon pa sa Pangulo, maituturing na ‘very timely’ ang pagsasabatas dahil sa mga sunud-sunod na insidente ng pag-atake sa mga cargo ship at tanker partikular na sa katubigan ng Red Sea.

Kabilang din sa layunin ng Magna Carta ay maisaayos pa ang edukasyon, pagsasanay, at ang mga cadetship program ng Pinoy seafarers para sa ikauunlad ng kanilang kakayanan.

Nakikita rin itong paraan upang mapagkaisa ang mga polisiya ng mga concerned agency tulad ng Commission on Higher Education (CHED), Department of Foreign Affairs (DFA), Maritime Industry Authority (MARINA), Philippine Coast Guard (PCG), Department of Labor and Employment (DOLE), at Department of Migrant Workers (DMW).

Kasabay nito ay tinitiyak din ng batas na ito ang patas na desisyon kung saan mabibigyan na ang mga Pilipinong marino ng nararapat na sahod, statutory benefits, at death at disability claims. Dito ay agaran nilang makukuha ang reimbursement ng seafarer’s bond kung sakaling manalo sa apela. -VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

66
Views

National

Ivy Padilla

56
Views