Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang bahagi ng Surigao del Norte na sinundan ng magnitude 5.0 sa Tawi-Tawi ngayong Sabado, Disyembre 28, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Tumama ang 5.6 na lindol sa silangang bahagi ng General Luna sa Surigao del Norte bandang 2:42 ng madaling araw.
REPORTED INTENSITIES
Intensity IV – General Luna, Del Carmen, San Isidro, Dapat Claver, Surigao del Norte; Cortes, Surigao del Sur
Intensity I – Basling City, Surigao del Sur
INSTRUMENTAL INTENSITIES
Intensity III – Tandang City, Surigao del Sur
Intensity II – Mambajao, Camiguin; Cebu City, Cebu; Dulag, Leyte, Gingoong, Misamis Oriental; Sogod, Southern Leyte
Intensity I – Malaybalay, Bukidnon; Carcar, Cebu. Nabunturan, Palo, Leyte; Padre Burgos, Southern Leyte
Inaasahan ang aftershocks mula sa nasabing lindol habang wala namang nakikitang pinsala dahil dito.
Samantala, nasundan ito 5.0 na lindol na tumama naman sa bahagi ng South Ubian sa Tawi-Tawi bandang 6:39 ng umaga.
Walang inaasahang aftershocks o pinsala matapos ang naturang pagyanig.