Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang silangang bahagi ng Tarlac City bandang 5:58 a.m. ngayong Huwebes, Nobyembre 28, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
May lalim na 199 kilometro ang lindol mula sa focus habang tectonic naman ang pinagmulan nito.
Naramdaman ang Instrumental Intensity sa mga sumunod na lugar:
Intensity III
– Bani, Pangasinan
Intensity II
– Santa Ignacia at Ramos, Tarlac
– Dagupan City
– Masinloc at Botolan, Zambales
– Olongapo City
– Bontoc, Mountain Province
– Vigan City, Ilocos Sur.
Intensity I
– Tarlac City at Bamban, Tarlac
– Guagua, Pampanga
– Abucay at Dinalupihan, Bataan
– Urdaneta City, Pangasinan
– Nampicuan, Nueva Ecija
– Santol, La Union
– Bustos, Bulacan
– Pasuquin, Ilocos Norte
– Navotas City
Bagaman walang inaasahang pinsala, posible pa rin ang aftershocks mula sa nasabing pagyanig.