IBCTV13
www.ibctv13.com

Magpapatuloy ng anti-corruption drive ng gobyerno, ‘best candidate’ para kay PBBM sa halalan 2028

126
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. speaks before members of the Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) and answers questions on various national and international issues during the group’s Presidential Luncheon at Diamond Hotel in Manila today, August 14. (Photo courtesy of PPA Pool)

Isang kandidato na kayang ipagpatuloy ang mga nasimulan ng administrasyon, kabilang ang laban sa korapsyon, ang katangian ng isang “best candidate” na i-eendorso ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 2028 presidential elections.

Sa isinagawang presidential luncheon ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) sa Diamond Hotel sa Maynila ngayong Biyernes, Agosto 14, sinabi ng Pangulo na pipili siya ng posibleng kandidato na magdadala ng mga bagong inisyatiba para sa bansa.

“We will choose the best possible candidate who will continue what we have started, and who will bring even new and hopefully even better initiatives to the development of our country,” ani Pangulo

Nilinaw naman ng Pangulo na maaga pa para matukoy ang maaaring maging standard bearer ng kanyang partido, ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP), at kung sino ang pinakaangkop na humalili sa kanya.

“Who that is, I cannot tell you because even I don’t know. It’s a little early for that,” pahayag ng Pangulo.

Dagdag niya, iisa pa lamang ang malinaw na nagpahiwatig ng interes na tumakbo sa pagkapangulo sa 2028, kaya masyado pang maaga para gumawa ng pinal na desisyon.

Samantala, bagama’t kinilala niya ang halaga ng mga pre-election survey, sinabi ng Pangulo na hindi ito ganoon kapaki-pakinabang sa kasalukuyan dahil marami pang maaaring mangyari sa politika bago ang 2028 elections.

Hindi rin aniya siya nakikipag-usap sa sinuman sa ngayon upang alamin kung may balak silang tumakbo sa pagkapangulo.

“The time will come,” ayon sa Pangulo. VC