Nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kailangang maging mahigpit at maingat ang pamahalaan sa paggamit ng pondo upang maiwasan ang pagtaas ng utang ng bansa at hindi rin ito magkulang para sa mga mahahalagang programa ng gobyerno.
Kasunod ito ng kanyang pag-veto sa ilang items ng General Appropriations Act (GAA) kung saan P194-bilyon halaga ang tinanggal dahil nakitaan ng ‘inconsistency’ sa priority programs ng administrasyon o hindi direktang tumutugon sa pangangailangan ng maraming Pilipino.
“We must exercise maximum prudence otherwise, we run the risk of increasing our deficit and debt and derailing our development agenda for our country,” pahayag ni Pangulong Marcos Jr.
Tiniyak naman ng Pangulo sa mga Pilipino na patuloy ang pamahalaan sa paggawa ng mga programa na pangmatagalang makatutulong sa bawat Pilipino upang mapanatili rin ang magandang estado ng ekonomiya ng bansa.
“With the passing of the Fiscal Year 2025 General Appropriations Act, the responsibility of ensuring that every centavo is spent wisely, transparently, and purposely begins,” dagdag niya. – AL