IBCTV13
www.ibctv13.com

Makabayan bloc, sinasamantala ang tensyon sa pulitika – NTF-ELCAC official

Divine Paguntalan
232
Views

[post_view_count]

NTF-ELCAC Executive Director Ernesto Torres Jr. (Photo by DILG)

Naniniwala si National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Executive Director Ernesto Torres Jr. na sinasamantala lamang ng partidong Makabayan bloc ang kasalukuyang tensyon sa pulitika upang isulong ang kanilang pansariling interes.

Kaugnay ito sa pambabatikos ng partido sa umano’y pakikialam ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa umuugong na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

“Makabayan’s outrage at the President’s alleged “interference” is a textbook example of exploiting tension for political gain. The statement seems to position them as defenders of the constitutional separation of powers, yet the opportunistic motive raises questions,” pahayag ni Torres.

Ayon sa NTF-ELCAC executive director, ang panawagan ng Pangulo na huwag nang ipagpatuloy ang pagsusulong ng impeachment laban sa Bise Presidente ay panawagan lamang para sa national unity.

“President marcos’ call for lawmakers to drop impeachment proceedings is a call for national unity, one that Makabayan seems very allergic to,” dagdag niya. – VC

Related Articles