IBCTV13
www.ibctv13.com

Mananaya mula Iloilo province, wagi ng P18-M jackpot sa Super Lotto

Ivy Padilla
182
Views

[post_view_count]

Maswerteng maiuuwi ng isang mananaya mula sa probinsya ng Iloilo ang tumataginting na P18,445,722.00 jackpot prize sa Super Lotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes ng gabi, Enero 2.

Nahulaan ng lucky bettor ang winning numbers na 19 – 48 – 15 – 11 – 7 – 24.

Ayon sa PCSO, tumaya ang nasabing lotto winner sa isang outlet sa Sta. Barbara, Iloilo City.

Nitong Enero 1 lang nang mapanalunan naman ng isang mananaya mula sa Barangay Santol, Quezon City ang P57,030,072.00 jackpot prize sa Mega Lotto 6/45.

Ito ay matapos mahulaan ang winning digits na 06 – 41 – 29 – 12 – 02 – 15.

Patuloy na hinihikayat ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang publiko na suportahan ang kanilang mga palaro upang makalikom ng dagdag na pondo para sa kanilang health initiatives, medical services at iba pang charities.

Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. – VC

Related Articles

National

Jerson Robles

98
Views

National

Jerson Robles

139
Views

National

Divine Paguntalan

127
Views