Ipinatupad ng Office of the Civil Defense (OCD) Western Visayas ang ‘mandatory evacuation’ sa mga residenteng nasa 6-kilometer Expanded Danger Zone (EDZ) ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island nitong Sabado, Disyembre 14.
Kabilang na rito ang mga nakatira sa La Castellana, Negros Occidental, San Carlos City, Negros Occidental at Canlaon City, Negros Oriental.
As of 12:00 nn kahapon, may kabuuang 3,655 pamilya o katumbas ng 12,270 katao ang namamalagi na sa 23 evacuation centers batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
1,118 pamilya o 3,964 indibidwal naman ang piniling manatili sa labas ng temporary shelters at makitira sa kani-kanilang mga kamag-anak.
Tiniyak ng DSWD na patuloy ang kanilang pamamahagi ng food at non-food items para sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Sa tala ng ahensya, aabot sa 13,226 kahon family food packs (FFPs) at 1,419 non-food items ang naipaabot na sa mga apektadong residente.
Patuloy na hinihikayat ang mga residente malapit sa bulkan na agarang lumikas upang makaiwas sa anumang banta ng sakuna.
Kasalukuyang nakataas sa Alert Level 3 ang Kanlaon Volcano na sumabog nitong Disyembre 9.