IBCTV13
www.ibctv13.com

Mangingisdang 46-araw nagpalutang-lutang sa dagat, nakauwi na sa kanyang pamilya

Ivy Padilla
900
Views

[post_view_count]

Photo by Philippine Coast Guard

Matagumpay nang nakauwi sa kanyang pamilya ang 49-anyos na mangingisdang si Ruben Dejillo matapos matagpuang palutang-lutang sa karagatan ng Basco, Batanes noong Setyembre 19. 

Ayon sa ulat, idineklarang ‘missing’ si Dejillo noon pang Agosto 4 matapos maubusan ng gasolina ang sinasakyang motorbanca habang nangingisda. 

Sa lakas ng alon, inanod ang bangka ng mangingisda sa gitna ng dagat kung saan siya nakipagsapalaran sa loob ng 46 na araw.

Tanging ang pag-inom ng tubig mula sa ulan at pagkain ng isda at buko ang nagsalba sa kumakalam na tiyan ng biktima. 

Nitong Setyembre 19, namataan ng MV Veronica si Dejillo habang naglalayag ang pampasaherong barko mula Itbayat patungong Basco, Batanes. 

Dahil higit isang buwan nanatili sa dagat, nakaranas ng ‘severe malnutrition’ at ‘dehydration’ ang mangingisda kaya agad na isinugod sa Batanes General Hospital. 

Masusing binantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Batanes ang kalagayan ni Dejillo habang nagpapagaling sa ospital. 

Matapos matiyak na ‘fit to travel’ na ang nasabing mangingisda, agad ding hinanda ng PCG ang aerial transport nito mula Batanes patungong Coast Guard Aviation Command (CGAvCom) sa Pasay City. 

At nito nga lang Biyernes, Oktubre 4, ligtas nang nakarating sa NAIA Terminal 4 si Dejillo at tuluyan nang umuwi sa kanyang pamilya sa Barangay Dinahican, Infanta, Quezon. 

Labis ang tuwa at pasasalamat ng pamilya ni Dejillo dahil ligtas itong nakauwi sa kanilang tahanan sa kabila ng trahedyang pinagdaanan. -VC

Related Articles

Feature

Jerson Robles

459
Views

Feature

Jerson Robles

5839
Views

Feature

Divine Paguntalan

199
Views