IBCTV13
www.ibctv13.com

Marcos Jr. admin, full force sa pagtugon sa iniwang pinsala ng bagyong Uwan

Veronica Corral
235
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. ordered all concerned government agencies to be in full force in responding to the aftermath of Super Typhoon Uwan. (Photo from DSWD)

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang gabinete ang agarang aksyon upang matulungan ang mga Pilipino na makabangon mula sa hagupit ng bagyong Uwan sa bansa.

Sa isang press briefing ngayong Martes, Nobyembre 11, iniulat ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro na buong pwersa ang administrasyong Marcos Jr. sa pagtugon sa mga lugar na tinamaan ng magkakasunod na bagyo bilang pagtalima sa direktiba ng Pangulo na personal na alamin ang sitwasyon sa ground.

Ang ahensya ng Department of Social Welfare and Department (DSWD), tuluy-tuloy sa pamimigay ng family food packs at ready-to-eat foods sa mga apektadong mamamayan.

Nakatuon din ang atensyon ng Department of Health sa pagtitiyak ng maayos na kalagayan ng kalusugan ng mga nasalanta ng bagyo.

Sa pangunguna ng Department of Energy, naibalik na ang kuryente sa 60 porsyento ng mga lokasyon na nawalan ng kuryente noong nagdaang bagyo.

Magdamagan din ang aksyon ng Department of Public Works and Highways para sa road clearing at pagsasaayos ng mga daan.

“Marami, sabay-sabay. 24/7 ang operations…tuloy-tuloy tayo, 24/7 ang trabaho all over,” pahayag ni DPWH Secretary Vince Dizon.

Bahagi pa ng direktiba ng Pangulo ang tamang paggastos ng inilabas na P1.3 trillion na programmed budget ng bansa ngayong 4th quarter ng taon.

Samantala, binigyang-diin ng Palasyo na patuloy ang administrasyon sa pagtugon sa usapin ng climate change.

“Noon pa nababanggit na ng Pangulo ang tungkol sa issue ng climate change. Marami pong programa ang patungkol dito para po makaagapay sa climate change,” ani Castro.

Dagdag pa ng Palace Press Briefer, batid ng Pangulo ang kagandahang dulot ng Sierra Madre.

“Noon pa maganda ang dulot ng sierra madre. Lubhang nakatulong ito nang tayo ay bayuhin ng bagyo. Tignan natin kung ano man ang maging pronouncement ng ating Pangulo patUngkol sa pagprotekta sa sierra madre.”

Sa kabuuang pagkilos ng mga ahensya ng pamahalaan, iniulat ni Castro na satisfied ang Pangulo sa mga preemptive measure na nakapagbawas ng labis na epekto ng bagyo sa buhay ng mga Pilipino. (Ulat mula kay Eugene Fernandez)