IBCTV13
www.ibctv13.com

Marcos Jr. admin, patuloy nakatuon sa pagpapaunlad ng bansa sa kabila ng pagbaba sa public rating

Divine Paguntalan
102
Views

[post_view_count]


Executive Secretary Lucas Bersamin (Screengrab from RTVM)

Binigyang-diin ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ang tunay na pamumuno ay hindi lamang nasusukat sa ‘high ratings’ kundi sa mga ginagawa para sa kapakanan ng publiko.

Kasunod ito ng napansing pagbaba sa approval at trust rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Nobyembre 26 hanggang Disyembre 3.

“Public interest is the sole driver behind every executive decision, not the pursuit of high ratings in the next opinion polls. High popularity ratings are the bonus and not the bedrock of effective public service,” mensahe ni Bersamin.

Sa kabila ng bahagyang pagbaba ng ratings sa naturang polling body, nananatiling nakatuon ang administrasyon sa pagpapabuti ng kabuhayan ng maraming Pilipino at ng buong ekonomiya ng bansa.

Matatandaang iniulat ng Department of Finance (DOF) na sa unang tatlong (3) quarter ng taon ay lumago ng 5.8% ang ekonomiya ng bansa, indikasyon ng patuloy na pag-unlad sa kabila ng mga nararanasang global economic challenges.

Dagdag pa rito, nilagdaan din ni Pangulong Marcos Jr. ang ilang batas na layong pababain ang corporate income tax rates at magbigay ng karagdagang incentive para sa mga kwalipikadong kumpanya o negosyo upang mas mahikayat pa ang mga foreign investor. – VC

Related Articles

National

Divine Paguntalan

124
Views