Inaasahan na mas mabilis pa ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa taong 2025 na inaasahang aabot sa 6% mula sa 5.6% ngayong taon, ayon sa ulat ng Nomura Global Markets Research.
Ayon sa Nomura, isa sa pangunahing magpapalakas sa ekonomiya ng bansa ang mga proyektong imprastraktura na patuloy na itinutulak ng administrasyong Marcos Jr.
“We think public investment spending will remain a significant growth engine, as the government pushes for more progress on infrastructure projects, which remain a top priority of the Marcos administration,” saad ng Nomura.
Dagdag pa ng financial holding firm, ang pagbaba ng inflation at pagtaas ng sahod ay magpapalakas sa household spending na magiging daan para sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na pabagalin ang policy rates.
“We expect BSP to cut its policy rate by an additional 100bp in this cycle (25bp each in December and in the first three monetary board meetings of 2025). As was clear in BSP’s guidance in its last two decisions, the next moves will largely be driven by the 2025 and 2026 inflation outlooks rather than data for the rest of 2024,” dagdag ng Nomura.
Bagaman may mga banta na maaaring makaapekto gaya ng geopolitical tension sa iba’t ibang panig ng mundo, partikular na sa West Philippine Sea, nananatili ang pananaw ng Nomura na nasa tamang landas ang bansa tungo sa mas malakas na ekonomiya sa pamamagitan ng epektibong pagpapatupad ng mga proyekto. – VC