Nanawagan si House Speaker Martin Romualdez para sa mas matibay na regional cooperation, economic resilience, at responsible technology governance sa gitna ng hamon sa Indo-Pacific region.
Ito ang kanyang naging pahayag sa Parliamentary Intelligence-Security Forum (PI-SF) kung saan sa pamamagitan nito ay matutugunan ang mga isyung pang-seguridad at pang-ekonomiya na kinakaharap ng rehiyon.
“We gather at a critical moment when the Indo-Pacific—home to 4.7 billion people, or 60% of the global population, and a driving force of global trade and innovation—is both a region of immense opportunity and unprecedented challenges,” paliwanag ni Romualdez.
“It is a region where economic dynamism coexists with intensifying strategic competition, geopolitical tensions and non-traditional security threats. These realities demand our collective action and resolve as parliamentarians and policymakers,” dagdag niya.
West Philippine Sea at International Law
Binigyang-diin ng House Speaker sa kanyang talumpati na patuloy ang Pilipinas sa diplomatikong pamamaraan ng pangangalaga at pagtatanggol ng soberanya sa West Philippine Sea alinsunod sa 2016 Arbitral Tribunal ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS)
Dagdag pa niya na nagsasagawa ang Kongreso ng mga hakbang tulad ng pagpasa ng Philippine Maritime Zones Act upang palakasin ang maritime jurisdiction ng bansa.
Seguridad sa Teknolohiya
Samantala, sa usaping teknolohiya, sinabi ni Romualdez ang pangangailangang bumuo ng malinaw na regulasyon kaugnay sa pagpigil sa mga cyber attack at disinformation campaign kasabay ng lumalagong paggamit ng artificial intelligence.
Hinimok niya ang mga policymaker na pag-ibayuhin pa ang kooperasyon upang mapanatili ang kapayapaan, seguridad at kaunlaran sa rehiyon. – VC