IBCTV13
www.ibctv13.com

Mas murang kuryente, target ng pamahalaan sa pamamagitan ng energy investment

255
Views

[post_view_count]

(Canva file photo)

Inaasahan ang posibilidad na bumaba ang singil sa kuryente matapos ihayag ng pamahalaan ang mga bagong hakbang para palakasin pa ang sektor ng enerhiya.

Isa sa mga pangunahing hakbang ay ang pagkuha ng Maharlika Investment Corp. (MIC) ng 20% stake sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ayon kina Maharlika Investment Corp. (MIC) President Rafael Consing at Department of Energy (DOE) Secretary Raphael Lotilla, ang inisyatibang ito ay tututok sa pagpapahusay ng transmission infrastructure na inaasahang magpapababa sa presyo ng kuryente para sa mga konsyumer.

“After a transmission project is finished, it can actually contribute to lowering prices because it addresses the constraints, the transmission constraints that drive prices up,” paliwanag ni Lotilla.

“As we rollout more of these projects, then mas lalong walang balakid sa pag-supply ng kuryente,” dagdag niya.

Bilang halimbawa, binanggit ni Lotilla ang pagtatapos ng Mindanao-Visayas Interconnection Project noong 2024, na nagdulot ng pagbaba ng wholesale electricity spot market prices: PhP1.99 per kilowatt-hour (kWh) sa Luzon, PhP1.77 sa Visayas, at PhP1.30 sa Mindanao.

Patuloy naman aniya ang pamahalaan sa pagsulong ng mga proyektong tulad nito upang matiyak ang mas abot-kayang kuryente para sa bawat Pilipino. – AL