
Nagpasalamat si Cambodian Ambassador to the Philippines Phan Peuv sa suporta at pakikipagtulungan ng Pilipinas bago matapos ang kanyang farewell call kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Huwebes, Pebrero 12.
Aniya, mahalaga ang naging matibay na ugnayan ng dalawang bansa sa kanyang panunungkulan bilang ambassador.
“For the past three years, I have been privileged to work with you to further push our bilateral relations and cooperation in common areas,” mensahe ng Cambodian Ambassador.
“Recently, the fruitful outcome of the official visit of Hun Manet, Prime Minister of the Kingdom of Cambodia,” dagdag niya.
Ang kanyang farewell call ay kasunod ng dalawang (2) araw na opisyal na pagbisita ni Cambodian Prime Minister Hun Manet sa Pilipinas, kung saan tinalakay ang pagpapalakas sa ugnayan ng Pilipinas at Cambodia sa usaping agrikultura, edukasyon, kalakalan, at pamumuhunan. – AL