Umaasa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang pagbisita ni Chilean Foreign Minister Alberto van Klaveren sa Pilipinas ay higit pang magpapatibay sa ugnayan at kooperasyon ng dalawang bansa ngayong Sabado, Disyembre 7.
“I’ll make certain that everything, the time that you spend here will be as productive as possible and would further the relations between our two countries. And that is I think the best way forward in this very interconnected world,” saad ni Pangulong Marcos Jr.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. na hindi na problema ang layo ng dalawang bansa sa isa’t isa kung saan binanggit nito na malaki ang potensyal ng Pilipinas at Chile pagdating sa pagtutulungan sa sektor ng agrikultura, partikular na sa pagproseso sa cacao.
“Because it’s becoming a very important crop – slowly becoming an important crop. We are trying to promote it. And you have I think the best technologies when it comes to that product,” dagdag nito.
Nagpasalamat din ang Pangulo sa Chile sa pagsuporta sa bid ng Pilipinas sa United Nations Security Council (UNSC) para sa taong 2027-2028.
Bilang tugon, sinabi ng Chilean official na isang malaking karangalan na makapunta sa Malacañang na inilarawan niya bilang isang produktibong pagbisita.
“We have had a very productive meeting with Secretary Manalo… and we talked about our bilateral relations, about regional and global issues, and about the potential of our bilateral relations,” turan ni Klaveren kay Pangulong Marcos.
Nagsimula ang diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Chile noong Hulyo 4, 1946 kung saan ipinagdiwang nito ang ika-75 anibersaryo noong 2021. – IP