IBCTV13
www.ibctv13.com

Maulan na Pasko, asahan sa ilang lugar sa Luzon, Visayas – PAGASA

Divine Paguntalan
96
Views

[post_view_count]

Cloudy with light rain weather in Mayon Volcano, Albay. (Photo from Radyo Pilipinas)

Asahan ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa darating na bisperas ng Pasko at mismong araw ng kapaskuhan, Disyembre 24-25, sa ilang probinsya sa Luzon at Visayas bunsod ng umiiral na shearline at trough ng Tropical Depression Romina, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Posibleng maranasan sa Martes ang ‘heavy to intense’ at ‘moderate to heavy’ na pag-ulan sa mga sumusunod na lugar:

HEAVY TO INTENSE RAINS
  – Camarines Norte
  – Quezon
  – Aurora

MODERATE TO HEAVY RAINS
  – Isabela
  – Aurora
  – Camarines Sur
  – Albay
  – Sorsogon
  – Masbate
  – Camarines Sur
  – Catanduanes
  – Northern Samar
  – Eastern Samar
  – Oriental Mindoro
  – Marinduque
  – Romblon

Sa araw naman ng kapaskuhan, asahan din ang ‘heavy to intense’ at ‘moderate to heavy’ rains sa mga sumusunod na probinsya:

HEAVY TO INTENSE RAINS
  – Aurora
  – Quezon

MODERATE TO HEAVY RAINS
  – Cagayan
  – Isabela
  – Nueva Ecija
  – Bulacan
  – Rizal
  – Camarines Norte
  – Camarines Sur
  – Catanduanes
  – Albay
  – Sorsogon
  – Masbate
  – Oriental Mindoro
  – Marinduque
  – Romblon
  – Northern Samar

Ang mga naturang pag-ulan ay maaaring magdulot ng pagbaha sa mga mabababang lugar at malapit sa ilog gayundin ang pagguho ng lupa sa ‘highly susceptible areas’.

Samantala, lumihis na mula sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Romina at wala nang direktang epekto sa bansa; subalit patuloy pa ring magpapaulan ang trough o buntot ng naturang bagyo sa ilang bahagi ng Pilipinas.

Pinapayuhan naman ng PAGASA ang publiko na manatiling naka-antabay sa weather advisory upang maging ligtas sa anumang banta ng sama ng panahon. – AL

Related Articles