IBCTV13
www.ibctv13.com

Maulan na Pasko, asahan sa malaking bahagi ng Luzon – PAGASA

Ivy Padilla
120
Views

[post_view_count]

A rainy evening along Commonwealth Avenue in Quezon City. (Photo by Divine Paguntalan, IBC 13)

Makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang malaking bahagi ng Luzon ngayong Pasko, Disyembre 25 bunsod ng Shearline, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Kabilang na rito ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, Marinduque., Rombon, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro pati na ang Eastern Visayas.

As of 5:00 a.m., naglabas na ng Yellow Rainfall Warning ang PAGASA sa Quezon Province, Laguna at Batangas dahil sa patuloy na epekto ng Shear Line.

Ayon sa PAGASA, posible itong magdulot ng pagbaha sa mga flood-prone area kaya naman naka-monitor na ang ahensya pati na ang mga lokal na pamahalaan sa maaaring maging epekto nito.

Asahan din ang mga pag-ulan sa Hilagang Luzon, partikular na sa Ilocos Region, Cagayan Valley, at Cordillera Administrative Region dulot naman ng umiiral na Northeast Monsoon o Amihan.

Sa ngayon ay walang binabantayang low pressure area (LPA) ang weather bureau sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Gayunpaman, patuloy na hinihikayat ng publiko na maging handa sa posibleng pagbabago sa lagay ng panahon. – AL

Related Articles