IBCTV13
www.ibctv13.com

Mga airport, seaport sa Pilipinas, naka-heightened alert na dahil sa pagkalat ng ‘FLiRT’ variant ng COVID-19

Divine Paguntalan
315
Views

[post_view_count]

NAIA Terminal 3 (IBC 13 photo by Earl Tobias)

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na itinaas na ng Bureau of Quarantine (BOQ) sa heightened alert status ang mga paliparan at pantalan sa bansa para sa mas mahigpit na screening sa mga pumapasok sa Pilipinas kasabay ng dumaraming kaso ng bagong Coronavirus-19 (COVID-19) variant na FLiRT sa mga kalapit na bansa sa Asya.

Mayroon nang kaso ng FLiRT variant ng COVID-19 sa mga bansang Singapore, Thailand, India, China, Hong Kong, Nepal, Israel, Australia, New Zealand, United States at 14 pang bansa sa Europe. –AL