IBCTV13
www.ibctv13.com

Mga bagong AFP officers, mainit na tinanggap ni PBBM

Ivy Padilla
89
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. leads the Major Services Officer Candidate Course Joint Graduation Ceremony at the Tejeros Hall in Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City on December 13, 2024. (Screengrab from RTVM)

Tiwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magagampanan nang maayos ng mga bagong opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang tungkulin na ipagtanggol ang bansa at tiyakin ang kaligtasan ng mga Pilipino.

“Your graduation day today signifies the culmination of your determination, sacrifice, and hard work to overcome the challenges of becoming an officer of the Armed Forces of the Philippines,” saad ng Pangulo sa ginanap na Major Services Officer Candidate Course joint graduation ceremony sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

“This marks the beginning of your role to ensure the defense of our nation and the safety of all Filipinos,” dagdag pa niya.

Kasabay nito ay kinilala rin ng punong ehekutibo ang mga nagsipagtapos na tumanggap ng mga parangal at nagsilbi aniyang inspirasyon sa kanilang kapwa.

“May these awards encourage you to excel in your duties and become even more dedicated to serving our beloved Philippines. Your achievements and success are your contributions to nation-building,” ani Pangulo.

May kabuuang 610 graduates ang nagtapos ngayong taon na kinabibilangan ng 362 kadete mula sa Philippine Army (PA) – Katarakian Class 61-2024; 173 mula sa Philippine Air Force (PAF) – Sigmandigan Class 2024; at 75 mula sa Philippine Navy (PN) – Mangisalakan Class 42-2024. – AL

Related Articles

National

Jerson Robles

40
Views

National

Divine Paguntalan

979
Views