IBCTV13
www.ibctv13.com

Mga empleyado ng BI na tumulong sa pagtakas ni Alice Guo sa Pilipinas, mananagot – PBBM

Divine Paguntalan
408
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. on the sidelines of the oath taking ceremony in Malacañang Palace on August 27, 2024. (Screengrab from RTVM)

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang panayam nitong Martes, Agosto 27, na natukoy na ng pamahalaan ang mga empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na tumulong kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo para makalabas ng Pilipinas.

Ayon pa sa Pangulo, patapos na ang mabusising imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) kasabay ng pagtitiyak na ang lahat ng sangkot sa paglabas ni Guo sa bansa ay mananagot.

“Very, very good idea. I have a very good idea… from BI. That’s what the last part of this — how far, how deep does it go, isa lang bang tao ang involved, or marami sila, o sindikato ito. That’s what we’re looking at now. There are no sacred cows,” kumpirmasyon ni Pangulong Marcos Jr. na mayroon ng lead ang pamahalaan para sa imbestigasyon.

Kamakailan lamang ay inihayag din ni Senator Sherwin Gatchalian na alam ng BI ang pagtakas ni Guo, ngunit hindi ito ipinaalam sa concerned agencies at mismo sa Pangulo.

Matatandaang isiniwalat ni Senator Risa Hontiveros na noong pang Hulyo 18 nakalabas ng Pilipinas ang dismissed mayor ng Bamban, Tarlac patungong Kuala Lumpur, Malaysia.

Hinihinala namang nanatili pa rin si Alice Guo sa Indonesia kung saan nahuli ang kapatid nitong si Shiela Guo at ang representative ng Lucky South 99 na si Cassandra Li Ong. – AL

Related Articles