IBCTV13
www.ibctv13.com

Mga gobernador, alkalde, at negosyante nagpahayag ng buong suporta kay PBBM

167
Views

[post_view_count]

The League of Provinces of the Philippines (LPP) expressed their support to the administration of President Ferdinand R. Marcos Jr. at a courtesy call in Malacañan Palace, where the President reciprocated by citing the importance of collaboration between the national and local governments in addressing the people’s concerns. (Photo from PCO)

Ipinahayag ng League of Provinces of the Philippines (LPP) ang kanilang suporta sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang courtesy call sa Malacañang, kung saan binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pambansa at lokal na pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.

Nauna nang nagpahayag ng suporta ang business community para sa matatag at inklusibong ekonomiya sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos.
Una na ring naglabas ang city mayors ng kanilang suporta sa liderato ni PBBM.

Sa isang courtesy call sa Malacañan Palace noon Huwebes, iprinisinta ni LPP President at South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo Jr. ang resolusyon ng League of Provinces of the Philippines (LPP) na inilabas noong Nobyembre 18.

Nakasaad dito ang buong suporta sa Pangulo at sa pamamahala niya at ipinangakong ipagtatanggol laban sa mga kalaban ng Konstitusyon at demokrasya.

Nagpasalamat si Pangulong Marcos sa mga opisyal ng LPP.

Inihayag din ng Pangulo na napakarami pang kailangang gawin kaya’t hindi na dapat maabala ng ingay sa politika.

Ibinahagi rin niya na patuloy ang imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects at ilalabas ang resulta nito sa publiko.

Sa kanilang resolusyon, hinikayat ng LPP ang mga miyembrong lalawigan na manatiling matatag sa pagsusulong ng kapayapaan, katatagan, at pananagutang pamamahala, at makipagtulungan sa pambansang pamahalaan sa pagbabantay sa mga institusyon.

Samantala, noong Nobyembre 17, nagpahayag ng suporta ang business community para sa ekonomiya sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos.
“As business organizations, we reaffirm our commitment to responsible leadership, ethical practices, and constructive engagement with government. We will continue investing, creating jobs, expanding industries, and strengthening our economy’s productive capacity,” ayon sa major business groups.

“In a time of increased uncertainty, our message is clear: the private sector remains united in its belief in the Philippines’ long-term potential,” dagdag pa nila.

Ang naturang pahayag ay pinagsamang inilabas ng Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX), Institute of Corporate Directors (ICD), Makati Business Club (MBC), Management Association of the Philippines (MAP), Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), at Philippine Finance Association (PFA).

Sa isa namang pahayag noong November 19, muling tiniyak ng League of Cities of the Philippines (LCP) ang kanilang buong suporta kay Pangulong Marcos.

“We stand behind his commitment to further empower LGUs in advancing public infrastructure, education, and health services, while upholding transparency and accountability in public governance,” ayon sa LCP. | PND

Related Articles

National

Benjamin Pulta, Philippine News Agency

130
Views

National

Priam Nepomuceno, Philippine News Agency

152
Views